Bakit hindi pa ako nakakakuha ng prospects at customers sa business ko?

Isa ito sa mga tanong na kadalasan nagmumula sa mga internet entrepreneurs at online networkers. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito at yun ang isi-share ko dito base sa personal experience ko at sa ibang mga internet marketers at business owners.

1. Kulang sa kaalaman – Di ba bago ka pa nagging member ng business mo ay pinanood ka ng video or pinaliwagan ka kung ano ang gagawin at paano tumatakbo ang business mo, so yun dapat ang magiging information na isi-share mo sa possible prospects mo. Dapat alam mo lahat ng mga detalye sa business mo para pagkatiwalaan k ang prospect mo bilang isang expert na business person or entrepreneur. At isa pa, syempre yung mga tinuro sa training about marketing ay dapat i-apply mo dahil ginawa yun para sa members at para mapatakbo ang business kahit walang leader na personal na gumagabay sa yo.

2. Hindi klaro ang detalye kung ano ang business mo – Syempre paano sasali ang isang prospect sayo kung hindi maliwanag sa kanya kung ano ang offer mo. Halimbawa sinabi mong “kikita ka ng malaking pera dito”, diba ang susunod na tanong nyan ay “PAANO?”, “ANO YAN?” – so kung masasagot mo sya sa tanong na yan, eh di malaki ang chance na magiging prospect or customer mo sya.

3. Masyadong pitchy ang pag-share mo – Marami sa Facebook nito na panay “JOIN NOW!” ang ginagamit na paraan sa pag-share. Gaya nung #1, di masyadong maliwanag kung bakit kailangan nyang sumali sa offer or business mo, so bago mo gawin yan, dapat malaman nya ang value ng ino-offer mo kung anong magagawa nito para sa kanya at dun mo makukuha ang loob ng prospects mo. Dapat iwasan natin ang paraan na tinutulak natin ang business sa ibang tao para sumali sila agad. Dapat may value muna na ipinapakita para malaman nila na eto pala ang hinahanap nila na opportunity.

4. Ang investment na kailangan – Actually lahat mostly ng business ay may investment so dito mo masusukat ang tao kung seryoso ba sya na pumasok sa negosyo lalo na sa online business kung saan may mga bagay talaga na kailangan mong gastusan para magka-resulta kaagad. Pero, hindi kailangan na banggitin mo agad ang babayaran nila, dapat maipaliwanag mo kung bakit ganito ang babayaran at bakit kailangan to sa negosyong ito. Dito ay mauunawaan nila na kailangan ito kung gusto mo talaga ng seryosong negosyo at hindi pera-pera

5. Absent sa business trainings – Syempre importante to dahil dito nakasalalay ang resulta na gusto mo. Kung lagi kang wala or wala kang time na umatend sa mga sessions, then wala ka ring malalaman na bagong paraan about marketing your business. Ginawa ang mga trainings para ang bawat member ay may mababaon na kaalaman na magagamit sa negosyo. So kung seryoso ka sa negosyo mo, dapat umatend k ang mga seminars, trainings, webinars, at iba pang events ng business

Actually, marami pa ang dahilan at abangan mo yun sa susunod na posts ko para malaman mo kung ano ang kulang at bakit wala ka pang prospects, customers, at partners sa business mo.

Maraming salamat! Please share if this is useful to you.

Gusto mo bang malaman kung anong SYSTEM ang ginamit ko para kumita ng mabilis sa internet?
CLICK HERE NOW