Bakit maganda ang affiliate marketing?

Sa America, ito ang isa sa mga online opportunity na pinakakakitaan ng mga internet users dahil walang limit ang pwede mong kitain na depende rin sa aksyon na gagawin mo.

Dito sa Pilipinas, hindi masyadong karamihan ang gumagawa nito dahil mostly ay pumapasok tayo sa mga online jobs na outsourcing or bilang virtual assistant sa mga foreign clients.

Paano nga ba ang AFFILIATE MARKETING?

Sa mga hindi familiar dito, ang affiliate marketing ay pagbebenta ng product ng ibang tao at kikita ka sa commissions sa bawat benta.

Ito ang mga advantages ng affiliate marketing:

  1. Product is ready – Bilang isang affiliate, hindi mo kailangan ng sariling product para ibenta. Ang mga products ay nakahanda na at pipili ka nalang kung alin dito ang ipo-promote mo from affiliate networks. Isa sa pinaka popular na affiliate site ngayon sa Pilipinas ay ang Lazada at Clickbank.
  2. Zero or less investment needed – Hindi mo kailangang mag-invest ng malaki dahil pwede kang gumamit ng mga free strategies sa pag-promote ng products mo. Kaya lang kung gusto mo ng long term, kailangan mong maginvest sa advertising, email marketing, domain at hosting para automated na ang business mo.
  3. Time freedom – Di ba gusto mo to? Pwede mong gawin ang business anytime of the day. Kapag na-setup na at tumatakbo na ang business kailangan mo nalang ng 1-2 hours sa isang araw para i-check ang stats mo at gawin ang marketing strategy mo.
  4. No Boss – Syempre hindi ito tulad ng ibang online jobs na kailangan mong mag-report daily sa client mo. Wala kang Boss at ikaw magpapatakbo sa business mo hanggang kailan mo gusto.
  5. Scalable – Pwede mong i-replicate ang system na ginamit mo sa first product na binebenta mo at i-apply mo sa ibang products para lumaki ang income mo instead of promoting only one product.
  6. Access anywhere – Bilang isang affiliate, pwede mo ma-access ang affiliate network mo kahit saan basta may internet regardless kung anong device ang available.
  7. No technical skills needed – Ang mga affiliate products ay may sariling sales funnel or landing pages na ipo-promote mo nalang at traffic nalang ang kailangan mo para makita to ng mga target customers mo.
  8. Commission bonus – Ito ay binibigay sa mga top sellers pero hindi lahat ng affiliate networks ay ino-offer nito. Ang mangyayari dito ay pwedeng i-increase ang commissions mo kung marami kang maibenta na products. Pwede ka ring mag-request sa affiliate manager mo para lakihan ang commissions mo pero depende pa rin sa mga nabenta mong products.
  9. Access to new products – Bilang member ng affiliate network, bawat update sa mga bagong products.
  10. Unlimited income – Sa affiliate marketing, walang limit ang income na pwede mong kitain basta lang gumawa ka ng tamang aksyon at keep learning every day to do this.

So ngayong alam mo na kung ano ang affiliate marketing business, ano ang susunod mong gagawin?

Kung gusto mo ng kumita ng pera sa internet, SIMPLE lang ang kailangan mong gawin at yun ay TAKE ACTION.

Paki-share nalang sa iba kung nakatulong ang post na to sayo. Salamat and good luck!

Gusto mo bang malaman kung anong SYSTEM ang ginamit ko para kumita ng mabilis sa internet?
CLICK HERE NOW