Meron Bang Negosyo Na Walang Puhunan Sa Internet?

Ito ang napansin ko na laging tinatanong ng mga tao at laging sini-search sa Google.

Pero sa totoo lang, maraming opportunities sa internet na pwede kang kumita ng pera na wala kang babayaran para sumali. Kaya lang, hindi mo ito matatawag na negosyo.

Bakit? Dahil tulad ng isang physical o literal na business, kailangan mo ng investment para sa isang franchise o puhunan para masimulan mong patakbuhin ang business na ito.

Halimbawa sa offline, kung franchise ng Jollibee ang business mo, anong mga kailangan mo? Diba kailangan mo ng budget para sa establishment o building, manpower, supplies, promotions, etc. Yan ang mga bagay na kailangan mong i-invest para mapatakbo ang business mo.

Punta naman tayo sa hindi mahal na business – restaurant o karinderya. Ano ang mga kailangan mo dyan sa araw-araw? Diba ingredients para sa lulutuin mong pmga putahe, mga kusinero/kusinera, waiter, dishwasher, pambayad sa monthly bills sa kuryente at tubig, etc.

Oh kita mo? Kahit pinaka-simpleng negosyo ay kailangan talaga ng puhunan kaya ito ang ilagay mo sa isip mo, kung gusto mo ng isang business na pagkakakitaan mo, maglaan ka ng pang-investment para masimulan mo ito.

Ang isang negosyo ay risky talaga kaya dapat mong piliing mabuti kung ano ba talaga yung mga bagay na alam mong kaya mong i-handle or may expertise ka na. Kung ang papasukin mo ay bago sayo, dapat mag-imbistiga ka muna at alamin ang lahat ng detalye sa taong nag-introduce nito sayo.

So ngayon naghahanap ka pa ba ng negosyo na walang puhunan?

Kung meron ka mang masalihan sa internet na walang puhunan, yan ay simpleng make money online schemes lamang at hindi pang long term. Meron ding iba na parang nagtatrabaho ka rin sa isang company dahil kailangan mong mag-report sa online client mo tungkol sa progress ng panagagawa sayo – yan naman ay online job at hindi business.

So bago magtapos ang post na ito, sana ay nasagot ko ang tanong mo at sana’y naliwanagan ka hindi totoong may negosyo na walang puhunan sa internet. Kailangan talaga ng konting investment para matawag mo itong negosyo at pagkakitaan gamit ang internet dahil hindi naman ito ginawa ng mga business owners para lang sya lang ang magbayad sa lahat ng expenses sa online business nya at magbigay ng payment sa mga members na nag-join for free. To keep the business moving, syempre money is one of the basic ingredients para tumakbo ito at matupad ang advocacy kung bakit nilikha ang business na to.

Sana ay may natutunan ka sa post na ito at kung seryoso kang magsimula ng isang online business, panoorin mo ang video DITO at magtanong ka sa contact person na nakalagay dun kung paano.

Salamat at paki-share nalang ito sa ibang nangangailangan. Good luck!