Ang Limang Useful and Proven Strategies Para Makilala Ang Business Mo sa Facebook

Sa totoo lang marami ang pwede mong gawin para makilala ang business mo sa internet at dapat hindi ka aasa lang na dahil online ang business mo ay madali syang makilala ng tao sa Pilipinas o sa ibang bansa. Isipin mo na napakalawak ng internet at maraming business ang gumagalaw dito at dahil dito ay kailangan mong gumawa ng paraan para makilala at mapansin ito ng mga internet users na may parehong interest tungkol sa internet business.

Eto ang ilan sa mga effective na paraan para makilala ang business mo sa internet:

  1. Facebook Timeline o Newsfeed – Ito ang isa sa pinakamakapangyarihan na paraan ngayon sa pagpapakilala ng business. Dito ay maari kang magpost sa sarili mong profile para makita ng mga friends mo at para na rin i-brand ang sarili mo as an entrepreneur. Pero tandaan mo rin na dapat iwasan mo ang sobrang pagpi-pitch ng business mo araw-araw para maiwasan an gang pag-unfriend ng kaibigan mo na madalas talagang nangyayari sa mga taong nasa ganitong industriya.
  2. Facebook Fanpage – Yung nauna ay sa newsfeed ng profile mo, dito naman ay kailangan mong gumawa ng isang fanpage para gawin mong specific place for business promotions or posting. Ang makakakita lang ng mga posts dito ay ang mga nag-like sa page mo. Pero ganun pa rin, dapat magbigay ka muna ng value halimbawa ay mga tips para hindi magsawa ang tao at mag-unlike mo. Dito ay pwede mong i-customize ang banner para makapag-display ka ng information tungkol sa business mo, pwedeng contact numbers, picture ng products, or procedure kung paano nila mabibili ang product mo. Para mas makilala pa ito, pwede mong gamitin ang pangalan ng fanpage mo sa pag-comment sa ibang mga page posts na na-like mo na rin. Sa function na ito, mas marami ang magiging curious kung ano ang ino-offer mo.
  3. Facebook Group – Dito naman ay similar lang sa fanpage kaya lang pwede mo syang gawing public, closed, at secret. Meaning, pwede mong i-filter kung sino ang member na i-accept mo. Pero kung public lang, same lang sa fanpage na pag may-join ay magiging member agad sya sa group at makakakita sya ng mga posts mo sa page na yon. Pwede mo ring i-set na ikaw lang ang pwedeng mag-post, so ang mga members ay sa comment lang makakapag-post. Okay ito kung ayaw mo ng spam at gusto mong ang offer mo lang ang nasa page.
  4. Facebook Live – Dito pwede mong kunan ang sarili mo at i-broadcast sa mga friends mo sa Facebook. Pwedeng nagbibigay ka ng tips, nasa vacation, or demonstration ng product mo. Lahat pwede mong gawin dito para makita ng friends mo ang totoong ikaw at hindi nila iisipin na mai-scam sila.
  5. Facebook Ads – Ito na siguro ang pinaka powerful na gamit ng Facebook kung saan kaya mong i-target kung sino lang ang dapat makakita sa business mo. Dito pwede mong i-set ang country, interest, edad, etc. ng mga taong gusto mong maging prospects o customer. Medyo marami ka pang dapat aralin muna sa function na to kasi pwede ring masayang ang pera mo sa paggamit ng ads kung di mo alam kung paano sya tumatakbo at nakikita ng mga Facebook users.

So ngayong alam mo na kung ano ang gagawin mo sa Facebook para makilala ang business mo, simulan mo na kaagad at huwag kang mangamba na mag-fail ka dahil yan ay sa simula lamang at makikita mo rin ang resulta pagdating ng tamang panahon.

Kung seryoso ka sa business mo, paki-click lang DITO at ipapakita ko sayo ang ginamit ko para magkaroon ng resulta sa business ko. Paki-share na rin sa mga kilala mong entrepreneurs. Salamat at Good luck!