Paano gamitin ang blog bilang isa sa mga prospecting strategies?

Kumusta ka kaibigan! Marahil narito ka dahil gusto mong malaman kung paano gamitin ang blog sa pag-prospect para sa business mo.

Alam mo ito ang isa sa mga prospecting strategy na hinidi alam ng karamihan sa mga online entrepreneurs na may mga networking business or MLM. Actually, pwede talaga ito sa kahit anong business mapa-online man or offline pero sa internet ka nagbebenta.

So ano ba ang blog?

Ang blog ay isang website na internet na kung saan ginagamit ng karamihan para mag-share ng mga valuable information. Ito ay parang online diary kung saan mo isusulat ang gusto mong –share tungkol sa isang topic depende kung tungkol saan ang blog mo.

Maraming free sites tulad ng Blogger, WordPress.com, Weebly, Wix at marami pang iba.

So magpo-post pala ako ng article dyan, paano ko gagawin ang pag-prospect?…

Ganito yun…

Ang blog ay parang isang TV station.

Ano bang meron sa isang TV station?

Sa isang TV station, may mga channels, shows at advertisements.

So bakit natin nai-compareang blog to sa TV station?

Di ba ang reason na nanonood ka ng TV ay dahil sa mga paborito mong palabas na nandun sa mga channels na yun?… Ang mga tao ay nanonood sa eksaktong oras para lang sa palabas na inaabangan nila. Sa madaling salita, nang dahil sa palabas ay nagsi-set ang tao ng oras para panoorin ang mga ito.

At ang iba ay naghahanap ng channels na sa tingin nila ay makapagbibigay saya sa kanila habang wala silang ginagawa.

Di ko pa rin ma-gets…

Isipin mo, kung ang blog mo ay may mga articles na parang mga palabas na makakatulong at makapagbibigay ng solusyon at saya sa mga tao, tingin mo pupunta kaya sila sa blog mo at babasahin ang mga impormasyon na pino-post mo?    

SYEMPRE NAMAN..di ba?

So ang blog mo ay dapat may mga valuable information tungkol sa isang topic na related sa business mo para mapapunta mo ang mga potential prospects mo dito at doon mo gagawin ang prospecting.

SO PAANO i-apply ang PROSPECTING dito?

Halimbawa, ang business mo ay real estate or nabebenta ka ng condo…

Sa tingin mo anong blog post or article ang pwede mong ilagay sa blog mo para mapapunta mo ang posibleng prospects o buyer mo dun sa blog mo?

Eto ang ilan sa pwede mong i-post sa blog mo:

10 Guides on How to Buy a Condominium in a Cheap Price

5 Pointers on How to Get a Condo Near You

Buyers Guide on Buying a Condominium Near Makati City

Yan ang ilan sa mga title ng article na dapat mong i-post sa blog mo para makapag-attract ka ng prospects mo.

Eto pa para sa ibang networking business naman:

Ang System na Ginamit Ko Para Kumita ng Pera ng Nasa Bahay Lang

The Proven System To Make Php1000 In Just 10 Days

Exact System That Resigned Employees Used To Make Money At Home

So, ganyan ang mga blog posts na dapat mong ilagay sa blog mo na related sa anumang business na meron ka para makapag-attract ng business partners or prospects.

So anong business meron ka – weight loss, MLM, beauty products, real estate, cake business, etc.? Ikaw na ang bahala na humanap ng topic na alam mong isi-search ng prospect mo sa Google para makita nila ang sagot or information tungkol sa topic na yun.

May idea ka na di ba?

Pagkatapos mo makahanap ng topic na ipo-post mo ay siguraduhin mong may CALL TO ACTION ang dulo ng article na pinost mo sa blog mo.

Paano ba yang call to action?

Ang CALL TO ACTION ay isang parte sa blog mo na syang magsasabi sa reader ng article mo na gawin ang isang bagay.

Halimbawa, kung may affiliate link, video presentation or homepage ka sa business mo or sa product mo, pwede mong sabihin dun na CLICK THIS TO WATCH THE VIDEO or CLICK THE BUTTON TO SIGNUP or ENTER YOUR EMAIL TO RECEIVE THE VIDEO PRESENTATION.

So parang ganyan lang. Kailangan mo lang gawin ay ilista mo ang mga posibleng titles ng articles na balak mong ipost sa blog mo at mag-research ka ng information tungkol dun. Pwede kang mag-copy paste kaya lang magiging generic masyado ang post mo so dapat ang isulat mo ay naayon kung paano ka magsalita para malaman ng prospect mo na totoong tao ka.

Dapat din consistent ka sa pag-post ng related article sa product mo para ma-detect ng Google na seryoso ka sa ginagawa mo at maaring maging searchable ang blog content mo.

Kung marami ka ng blog posts pwede mo na simulan i-share yun sa Facebook at ibang social media sites para mai-share din ng iba sa mga friends nila.

Kung napapansin mo, wala akong binaggit na may babayaran ka or something like advertising dahil ito ay isang FREE PROSPECTING STRATEGY na marami ang hindi nakakaalam so dapat mag TAKE ACTION ka at simulant mo nang mag-blog dun sa mga binanggit kong websites sa taas.

AT ISA PANG DAPAT TANDAAN: Huwag kang magbebenta agad sa blog post mo dahil ayaw ng karamihan sa readers ang ganyan. Mas mabuti pa ng magbigay ka muna ng value tulad ng informative blog post mo para magustuhan ka ng readers mo at malay mo yun ang magiging mga prospects at customers mo.

So hanggang dito nalang kaibigan at sana ay makatulong ito sa yo.

Paki-share na rin sa iba kung sa tingin mo ay makakatulong ito sa kanila. Mag-comment ka rin sa baba kung may tanong ka or mag-message ka sakin sa Facebook para ma-assist kita sa business mo.

Salamat at Good luck!